God's Word

27 February 2012, Monday

English
Leviticus 19:17-18  (King James Version)
17Thou shalt not hate thy brother in thine heart: thou shalt in any wise rebuke thy neighbour, and not suffer sin upon him. 18Thou shalt not avenge, nor bear any grudge against the children of thy people, but thou shalt love thy neighbour as thyself: I am the LORD.
 
Tagalog
Levitico 19:17-18 (Ang Salita ng Diyos)
17"Huwag kayong magtatanim ng galit sa iyong kapwa. Sa halip, makipagkasundo ka sa kanya. Sa gayon, hindi ka magkakasala dahil sa kanya. 18Huwag kang maghihiganti o magtatanim ng galit sa iyong mga kababayan. Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng pag-ibig mo sa iyong sarili. Ako si Yahweh.

Listen to God's Word online

. . . anytime, anywhere you may be.

Radio Free Church

Your manuscript editor's to-do list

February 2012
  • Retrain
  • Edit manuscripts
  • Pay January 2012 percentage tax (i.e., only 3% of taxable income, Form 2551M) due 20 February 2012
  • Remit 2012 Pag-IBIG contribution
  • Remit January 2012 SSS contribution (no later than 15 February 2012) 
  • Visit and watch conferences at GodlyConferences.com
  • See a nice animated film on widescreen

January 2012
  • Retrain
  • Edit manuscripts
  • Renew BIR registration (deadline, January 31)
  • Pay December 2011 percentage tax (i.e., only 3% of taxable income, Form 2551M) due 20 January 2012
  • Pay community tax
  • Pay for Dad's real property tax in Marikina City (taxpayers get 50% discount on or before March 2012)
  • Remit 2012 PhilHealth contribution
  • Bring Humble to the vet for deworming

Standing prepared for disasters

The Philippine Red Cross accepts ongoing donations to respond immediately to victims of earthquakes, typhoons, and other national emergencies. 


GotQuestions?org


What happens after death?

 

Click here to read the answer or click here to listen to the mp3 audio.

For a comprehensive guide in registering your source of income in the Philippines, you may visit the The Filipino freelancers' guide to paying taxes and securing social benefits page.

A friendly reminder from your fellow freelancer-income earner in the Philippines.




May 28 - The Philippine National Flag Day


Trusted payment options 




Sign up for PayPal and start accepting credit card payments instantly.

© 2009-2012
by Al Sabado

God's Word


27 February 2012, Monday

English
Leviticus 19:17-18  (King James Version)
17Thou shalt not hate thy brother in thine heart: thou shalt in any wise rebuke thy neighbour, and not suffer sin upon him. 18Thou shalt not avenge, nor bear any grudge against the children of thy people, but thou shalt love thy neighbour as thyself: I am the LORD.
 
Tagalog
Levitico 19:17-18 (Ang Salita ng Diyos)
17"Huwag kayong magtatanim ng galit sa iyong kapwa. Sa halip, makipagkasundo ka sa kanya. Sa gayon, hindi ka magkakasala dahil sa kanya. 18Huwag kang maghihiganti o magtatanim ng galit sa iyong mga kababayan. Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng pag-ibig mo sa iyong sarili. Ako si Yahweh. 

--

24 February 2012, Friday

English
Proverbs 24:17-18 (King James Version)
17Rejoice not when thine enemy falleth, and let not thine heart be glad when he stumbleth: 18Lest the LORD see it, and it displease him, and he turn away his wrath from him.
 
Tagalog
Kawikaan 23:4 (Ang Salita ng Diyos)
17Huwag mong ikagalak ang pagbagsak ng iyong kaaway ni ang kanyang kapahamakan. 18Kapag ginawa mo iyon, magagalit sa iyo si Yahweh at sila'y hindi na niya paparusahan.

--

23 February 2012, Thursday

English
Proverbs 23:4 (King James Version)
Labour not to be rich: cease from thine own wisdom. 
 
Tagalog
Kawikaan 23:4 (Ang Salita ng Diyos)
Huwag mong pagurin ang sarili sa pagpapayaman; pag-aralan mong umiwas doon. 

--

22 February 2012, Wednesday

English
Proverbs 22:4 (King James Version)
By humility and the fear of the LORD are riches, and honour, and life.
 
Tagalog
Kawikaan 22:4 (Ang Salita ng Diyos)
Ang paggalang at pagsunod kay Yahweh at ang kapakumbabaan ay nagbubunga ng yaman, buhay at karangalan. 

--

21 February 2012, Tuesday

English
Philippians 4:13 (King James Version)
I can do all things through Christ which strengtheneth me.
 
Tagalog
Filipos 4:13 (Ang Salita ng Diyos)
Ang lahat ng ito'y magagawa ko dahil sa lakas na kaloob sa akin ni Cristo. 

--

20 February 2012, Monday

English
Proverbs 20:3 (King James Version)
It is an honour for a man to cease from strife: but every fool will be meddling. 

Tagalog
Kawikaan 20:3 (Ang Salita ng Diyos)
Ang marangal na tao'y umiiwas sa kaguluhan, ngunit ang gusto ng mangmang ay laging pag-aaway.

--

17 February 2012, Friday

English
Proverbs 17:9 (King James Version)
He that covereth a transgression seeketh love; but he that repeateth a matter separateth very friends. 

Tagalog
Kawikaan 17:9 (Ang Salita ng Diyos)
Siyang nagpapatawad sa kasalanan ng iba ay nagmamahal; ngunit siyang muling gumagawa ng mali ang siyang naghihiwalay sa magkakaibigan.*

--

16 February 2012, Thursday

English
Proverbs 16:20 (King James Version)
He that handleth a matter wisely shall find good: and whoso trusteth in the LORD, happy is he. 

Tagalog
Kawikaan 16:20 (Ang Salita ng Diyos)
Siyang tumugon sa isang bagay nang may karunungan ay tatamasa ng mabuti: at sinumang nagtitiwala sa Panginoon ay may kagalakan.*

--

15 February 2012, Wednesday

English
Proverbs 15:10 (King James Version)
Correction is grievous unto him that forsaketh the way: and he that hateth reproof shall die.

Tagalog
Kawikaan 15:10 (Ang Salita ng Diyos)
Ang gumawa ng masama ay tatanggap ng parusa, at tiyak na mamamatay ang ayaw ng paalala.

--

14 February 2012, Tuesday

English
Proverbs 14:7 (King James Version)
Go from the presence of a foolish man, when thou perceivest not in him the lips of knowledge.

Tagalog
Kawikaan 14:7 (Ang Salita ng Diyos)
Iwasan mong makisama sa mga taong mangmang, pagkat sa kanila ay wala kang mapupulot na kaalaman.

--

13 February 2012, Monday

English
Proverbs 13:21 (King James Version)
Evil pursueth sinners: but to the righteous good shall be repayed.

Tagalog
Kawikaan 13:21 (Ang Salita ng Diyos)
Ang hinaharap ng masama ay kahirapan sa buhay, ngunit sagana ang pagpapalang sa matuwid ay naghihintay.

--

10 February 2012, Friday

English
1 Kings 22:14 (King James Version)
. . . As the LORD liveth, what the LORD saith unto me, that will I speak. 

Tagalog
1 Hari 22:14 (Ang Salita ng Diyos)
. . . "Saksi si Yahweh, ang Diyos na buhay, a kung ano ang sabihin niya sa akin, iyon din ang aking sasabihin."

--

9 February 2012, Thursday

English
Proverbs 9:10 (King James Version)
The fear of the LORD is the beginning of wisdom: and the knowledge of the holy is understanding. 

Tagalog
Kawikaan 9:10 (Ang Salita ng Diyos)
Ang paggalang at pagsunod kay Yahweh ay pasimula ng karunungan, ang pagkilala sa Banal na Diyos ay may dulot na kaalaman.

--

8 February 2012, Wednesday

English
1 Kings 20:13 (King James Version)
13. . . Thus saith the LORD, Hast thou seen all this great multitude? behold, I will deliver it into thine hand this day; and thou shalt know that I am the LORD. 

Tagalog
1 Hari  20:13 (Ang Salita ng Diyos)
13. . . Ipinapasabi ni Yahweh na huwag kang matakot sa napakalaking hukbong iyan. Sa araw na ito ay pagtatagumpayin kita laban sa kanila at malalaman mong ako nga si Yahweh.

--

7 February 2012, Tuesday

English
1 Kings 19:11-12 (King James Version)
11And he said, Go forth, and stand upon the mount before the LORD. And, behold, the LORD passed by, and a great and strong wind rent the mountains, and brake in pieces the rocks before the LORD; but the LORD was not in the wind: and after the wind an earthquake; but the LORD was not in the earthquake: 12And after the earthquake a fire; but the LORD was not in the fire: and after the fire a still small voice.

Tagalog
1 Hari 19:11-12  (Ang Salita ng Diyos)
11Ganito ang sagot sa kanya: "Lumabas ka at tumayo sa ibabaw ng bundok sa harapan ko." Pagkasabi nito'y dumaan si Yahweh at umihip ang napakalakas na hangin. Sumabog ang bundok at nagkadurug-durog ang mga bato sa lakas ng hangin ngunit wala sa hangin si Yahweh. Nang tumigil ang hangin ay lumindol, ngunit wala sa lindol si Yahweh. 12Pagkalipas ng lindol ay kumidlat, ngunit wala rin sa kidlat si Yahweh. Pagkalipas ng kidlat, narinig niya ang isang banayad na tinig.

--

6 February 2012, Monday

English
1 Kings 18:36, 39 (King James Version)
36And it came to pass at the time of the offering of the evening sacrifice, that Elijah the prophet came near, and said, LORD God of Abraham, Isaac, and of Israel, let it be known this day that thou art God in Israel, and that I am thy servant, and that I have done all these things at thy word. . . . 39And when all the people saw it, they fell on their faces: and they said, The LORD, he is the God; the LORD, he is the God. 

Tagalog
1 Hari  18:36, 39 (Ang Salita ng Diyos)
36Nang ikatlo na ng hapon na siyang oras ng paghahandog, tumayo si Elias sa harap ng altar at nanalangin, "Yahweh, Diyos nina Abraham, Isaac at Jacob, patunayan po ninyo ngayon na talagang kayo ang Diyos ng Israel, at ako ay inyong lingkod, at ginawa ko ang lahat ng ito sapagkat ito ang inyong utos. . . . 39Nang makita ng mga tao ang nangyari, nagpatirapa sila at sumigaw, "Si Yahweh ang Diyos! Si Yahweh lang ang Diyos!"

-- 

3 February 2012, Friday

English
Proverbs 3:5-6 (King James Version)
5Trust in the LORD with all thine heart; and lean not unto thine own understanding. 6In all thy ways acknowledge him, and he shall direct thy paths.

Tagalog
Kawikaan 3:5-6 (Ang Salita ng Diyos)
5Kay Yahweh ka magtiwala, buong puso at lubusan, at huwag kang mananangan sa sariling karunungan. 6Sa lahat ng iyong gawain siya nga'y alalahanin, upang ika'y patnubayan sa iyong mga tatahakin.

--

2 February 2012, Thursday

English
Proverbs 2:6 (King James Version)
For the LORD giveth wisdom: out of his mouth cometh knowledge and understanding.

Tagalog
Kawikaan 2:6 (Ang Salita ng Diyos)
Sapagkat si Yahweh ang nagkakaloob ng karunungan, sa bibig niya ang kaalaman at unawa'y bumubukal. 

--

1 February 2012, Wednesday

English
Proverbs 1:7 (King James Version)
The fear of the LORD is the beginning of knowledge: but fools despise wisdom and instruction. 

Tagalog
Kawikaan 1:7 (Ang Salita ng Diyos)
Ang paggalang at pagsunod kay Yahweh ay pasimula ng karunungan, ngunit walang halaga sa mga mangmang ang aral at mga saway. 

--

31 January 2012, Tuesday

English
Proverbs 31:30 (King James Version)
Favour is deceitful, and beauty is vain: but a woman that feareth the LORD, she shall be praised.

Tagalog
Kawikaan 31:30 (Ang Salita ng Diyos)
Mandaraya ang pang-akit at kumukupas ang ganda, ngunit ang babaing gumagalang at sumusunod kay Yahweh ay pararangalan. 

--

30 January 2012, Monday

English
Proverbs 30:5 (King James Version)
Every word of God is pure: he is a shield unto them that put their trust in him. 

Tagalog
Kawikaan 30:5 (Ang Salita ng Diyos)
Ang lahat ng salita ng Diyos ay mapananaligan at siya ang kanlungan ng mga nananalig sa kanya. 

--

27 January 2012, Friday

English
Proverbs 27:23-24 (King James Version)
23Be thou diligent to know the state of thy flocks, and look well to thy herds. 24For riches are not for ever: and doth the crown endure to every generation?

Tagalog
Kawikaan 27:1-2 (Ang Salita ng Diyos)
23Ang iyong mga hayop ay iyong bantayan, alagaang mabuti ang iyong kawan. 24Di mamamalagi ang yaman, at ang kapangyarihan ba ay mamamalagi sa habang panahon?*

--

27 January 2012, Friday

English
Proverbs 27:1-2 (King James Version)
1Boast not thyself of to morrow; for thou knowest not what a day may bring forth. 2Let another man praise thee, and not thine own mouth; a stranger, and not thine own lips.

Tagalog
Kawikaan 27:1-2 (Ang Salita ng Diyos)
1Huwag ipagyayabang ang araw ng bukas, pagkat di mo alam kung anong magaganap. 2Hayaan mong iba ang sa iyo'y pumuri at ang sariling bangko'y huwag mong buhatin.

--

26 January 2012, Thursday

English
1 Kings 8:57-58 (King James Version)
57The LORD our God be with us, as he was with our fathers: let him not leave us, nor forsake us: 58That he may incline our hearts unto him, to walk in all his ways, and to keep his commandments, and his statutes, and his judgments, which he commanded our fathers.

Tagalog
1 Hari 8:57-58 (Ang Salita ng Diyos)
57Sumaatin nawang lagi si Yahweh, ang ating Diyos, gaya ng ginawa niya sa ating mga ninuno. Huwag nawa niya tayong pabayaan o itakwil kailanman. 58Tulungan nawa niya tayong maging tapat sa kanya, upang mamuhay ayon sa kanyang kalooban, at sundin ang kanyang mga batas, tuntunin at hatol, gaya ng ipinag-utos niya sa ating mga ninuno. 

--

25 January 2012, Wednesday

English
Proverbs 25:21-22 (King James Version)
21If thine enemy be hungry, give him bread to eat; and if he be thirsty, give him water to drink: 22For thou shalt heap coals of fire upon his head, and the LORD shall reward thee.

Tagalog
Kawikaan 25:21-22 (Ang Salita ng Diyos)
21Kapag nagugutom ang iyong kaaway, pakainin mo at painumin kung siya'y nauuhaw. 22Sa gayo'y mailalagay mo siya sa kahihiyan at tatanggap ka pa ng gantimpala mula kay Yahweh.

--

24 January 2012, Tuesday

English
Proverbs 24:13-14 (King James Version)
13My son, eat thou honey, because it is good; and the honeycomb, which is sweet to thy taste: 14So shall the knowledge of wisdom be unto thy soul: when thou hast found it, then there shall be a reward, and thy expectation shall not be cut off.

Tagalog
Kawikaan 24:13-14 (Ang Salita ng Diyos)
13Anak, uminom ka ng pulot-pukyutan at ito'y makakabuti sa iyo. Kung ang pulot- pukyutan ay masarap sa panlasa, 14ang karunungan naman ay mabuti sa kaluluwa. Kaya, hanapin mo ang kaalaman at magkakaroon ka ng magandang kinabukasan.

--

23 January 2012, Monday

English
1 Kings 5:4, 7 (King James Version)
4But now the LORD my God hath given me rest on every side, so that there is neither adversary nor evil occurrent . . . 7Blessed be the LORD this day


Tagalog
1 Hari 5:4, 7 (Ang Salita ng Diyos)
4Ngunit binigyan ako ngayon ng Diyos kong si Yahweh ng kapayapaan sa buong kaharian. Wala na akong kaaway at wala nang panganib na pinangangambahan . . . 7Purihin si Yahweh sa araw na ito . . .

--

20 January 2012, Friday

English
1 Kings 2:2-4 (King James Version)
2 . . . be thou strong therefore, and shew thyself a man; 3And keep the charge of the LORD thy God, to walk in his ways, to keep his statutes, and his commandments, and his judgments, and his testimonies, as it is written in the law of Moses, that thou mayest prosper in all that thou doest, and whithersoever thou turnest thyself: 4That the LORD may continue his word which he spake concerning me . . .

Tagalog
1 Hari 2:2-4 (Ang Salita ng Diyos)
2. . . Magpakatatag ka at lakasan mo ang iyong loob. 3Tuparin mo ang iyong tungkulin kay Yahweh na iyong Diyos, at mamuhay ka ayon sa kanyang kalooban. Sundin mo ang kanyang mga batas, utos, hatol at tuntunin ayon sa nakasulat sa Kautusan ni Moises. Sa gayon, magtatagumpay ka sa lahat mong gawain, 4at tutuparin ni Yahweh ang pangako niya sa akin . . .

--

English
Proverbs 19:1 (King James Version)
Better is the poor that walketh in his integrity, than he that is perverse in his lips, and is a fool.

Tagalog
Kawikaan 19:1 (Ang Salita ng Diyos)
Mas mabuti ang mahirap na marangal ang pamumuhay, kaysa taong masalita ngunit walang nalalaman.

--

17 January 2012, Tuesday

English
2 Samuel 23:3 (King James Version)
... He that ruleth over men must be just, ruling in the fear of God.

Tagalog
2 Samuel 23:3 (Ang Salita ng Diyos)... Ang haring namamahala ay dapat maging makatarungan, namumunong may pagkatakot sa Diyos.*

--

16 January 2012, Monday

English
2 Samuel 22:2-3, 7 (King James Version)
2 ... The LORD is my rock, and my fortress, and my deliverer; 3The God of my rock; in him will I trust: he is my shield, and the horn of my salvation, my high tower, and my refuge, my saviour; ... 7In my distress I called upon the LORD, and cried to my God: and he did hear my voice out of his temple, and my cry did enter into his ears.

Tagalog
2 Samuel 22:2-3, 7 (Ang Salita ng Diyos)
2"Si Yahweh ang aking tagapagligtas, matibay na muog na aking sanggalang. 3Ang Diyos ang bato na aking kanlungan, aking kalasag at tanging kaligtasan. Siya ang aking pananggalang, sa mga marahas ay siya kong tanggulan. 7"Sa kagipitan ko, ako ay tumawag, ang Diyos na si Yahweh ay aking hinanap. Mula sa templo niya ay kanyang dininig, ang aking pagsamo at ang aking hibik.

--

11 January 2012, Wednesday

English
Proverbs 11:1 (King James Version)
A false balance is abomination to the LORD: but a just weight is his delight.

Tagalog
Kawikaan 11:1 (Ang Salita ng Diyos)
Kasuklam-suklam kay Yahweh ang timbangang may daya, ngunit kasiyahan naman ang timbangang tama.

--

2 January 2012, Monday

English
Philippians 4:4-6 (King James Version)
4Rejoice in the Lord always. I will say it again: Rejoice! 5Let your gentleness be evident to all. The Lord is near. 6Do not be anxious about anything, but in everything, by prayer and petition, with thanksgiving, present your requests to God.

Tagalog
Filipos 4:4-6 (Ang Salita ng Diyos)4Magalak kayong lagi sa Panginoon. Inuulit ko, magalak kayo! 5Ipadama ninyo sa lahat ang inyong kabutihang-loob. Malapit nang dumating ang Panginoon.6Huwag kayong mabalisa tungkol sa anumang bagay. Sa halip, hingin ninyo sa Diyos ang lahat ng inyong kailangan sa pamamagitan ng panalanging may pasasalamat.

--

4 December 2011, Sunday

English
Ephesians 5:20 (King James Version)
Giving thanks always for all things unto God and the Father in the name of our Lord Jesus Christ;

Tagalog
Efeso 5:20 (Ang Salita ng Diyos)Lagi kayong magpasalamat sa Diyos na ating Ama dahil sa lahat ng bagay, sa pangalan ng ating Panginoong Jesu-Cristo.

--

20 November 2011, Sunday

English
1 John 5:4 (King James Version)

For whatsoever is born of God overcometh the world: and this is the victory that overcometh the world, even our faith.

Tagalog
1 Juan 5:4 (Ang Salita ng Diyos)
[Sapagkat] napagtagumpayan na ng mga anak ng Diyos ang sanlibutan; at nagtatagumpay tayo sa pamamagitan ng pananampalataya.

--

6 November 2011, Sunday

English
Proverbs 6:20-21 (King James Version)

20My son, keep thy father's commandment, and forsake not the law of thy mother: 21Bind them continually upon thine heart, and tie them about thy neck.

Tagalog
Kawikaan 6:20-21 (Ang Salita ng Diyos)
20Aking anak, utos nga ng ama mo ay sundin, huwag mong tatalikuran, turo ng inang giliw. 21Sa puso mo ay iukit, at itanim mo sa isip.

--

25 October 2011, Tuesday

English
Joshua 23:11 (King James Version)
Take good heed therefore unto yourselves, that ye love the LORD your God.

Tagalog
Josue 23:11 (Ang Salita ng Diyos)
Kaya palagi ninyong ibigin si Yahweh na inyong Diyos.

--

9 October 2011, Sunday

English
Romans 8:28 (King James Version)
And we know that all things work together for good to them that love God, to them who are the called according to his purpose.

Tagalog
Roma 8:28 (Ang Salita ng Diyos)
Alam nating sa lahat ng bagay ay gumagawa ang Diyos para sa ikabubuti ng mga nagmamahal sa kanya, silang mga tinawag ayon sa kanyang layunin.

--


6 October 2011, Thursday

Psalm 27:1 (King James Version)
The LORD is my light and my salvation; whom shall I fear? the LORD is the strength of my life; of whom shall I be afraid?

--

22 September 2011, Thursday

Proverbs 22:29 (King James Version)
Seest thou a man diligent in his business? he shall stand before kings; he shall not stand before mean men.

--

12 September 2011, Monday

Deuteronomy 20:3-4 (King James Version)
3And shall say unto them, Hear, O Israel, ye approach this day unto battle against your enemies: let not your hearts faint, fear not, and do not tremble, neither be ye terrified because of them; 4For the LORD your God is he that goeth with you, to fight for you against your enemies, to save you.

--

9 September 2011, Friday

Proverbs 9:10 (King James Version)
The fear of the LORD is the beginning of wisdom.

--

22 August 2011, Monday

Proverbs 23:13 (King James Version)
Withhold not correction from the child: for if thou beatest him with the rod, he shall not die.

--

14 August 2011, Sunday

English
1 John 5:7-8 (King James Version)
7For there are three that bear record in heaven, the Father, the Word, and the Holy Ghost: and these three are one. 8And there are three that bear witness in earth, the Spirit, and the water, and the blood: and these three agree in one.

Tagalog
1 Juan 5:7-8 (Ang Salita ng Diyos)
7Tatlo ang nagpapatotoo: ang Ama, ang Salita, at ang Espiritu Santo; at ang tatlong ito'y iisa. 8At mayroong tatlong nagpapatotoo sa lupa: ang Espiritu, ang tubig, at ang dugo; at ang tatlong ito ay nagkakaisa.

--

8 August 2011, Monday

English
Nehemiah 23:20, 26 (King James Version)
20 Behold, I have received commandment to bless: and he hath blessed; and I cannot reverse it. . . 26 . . . All that the LORD speaketh, that I must do . . .

Tagalog
Mga Bilang 23:20, 26 (Ang Salita ng Diyos)
20 Ang utos sa akin, sila'y pagpalain; ang pagpapala ng Diyos, di ko kayang bawiin. . . 26 . . . gagawin ko lamang ang lahat ng sinabi sa akin ni Yahweh . . .

--

10 July 2011, Sunday

English
Nehemiah 8:10-11 (King James Version)
10Then he said unto them, Go your way, eat the fat, and drink the sweet, and send portions unto them for whom nothing is prepared: for this day is holy unto our LORD: neither be ye sorry; for the joy of the LORD is your strength. 11. . . Hold your peace, for the day is holy; neither be ye grieved.

Tagalog
Nehemias 8:10-11 (Ang Salita ng Diyos)
10 "Umuwi na kayo at magdiwang, kumain kayo at uminom ng bagong alak! Bigyan ninyo ang mga walang pagkain at inumin sapagkat ang araw na ito ay banal para kay Yahweh, kaya huwag kayong malungkot. Ang kagalakang dulot ni Yahweh ang magpapalakas sa inyo." 11 . . . "Huwag kayong malungkot, sapagkat banal ang araw na ito."

--

14 June 2011, Tuesday

English
Proverbs 14:12 (King James Version)
There is a way which seemeth right unto a man, but the end thereof are the ways of death.

Tagalog
Kawikaan 14:12 (Ang Salita ng Diyos)
May daang matuwid sa tingin ng tao, ngunit kamatayan ang dulo nito.

--

4 June 2011, Saturday

English
John 14:6 (King James Version)
Jesus saith unto him, I am the way, the truth, and the life: no man cometh unto the Father, but by me.

Tagalog
Juan 14:6 (Ang Salita ng Diyos)
Sumagot si Jesus, Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay. Walang makakapunta sa Ama kundi sa pamamagitan ko.

--

2 June 2011, Thursday

English
Proverbs 2:1-2, 5 (King James Version)
1My son, if thou wilt receive my words, and hide my commandments with thee; 2So that thou incline thine ear unto wisdom, and apply thine heart to understanding; ... 5Then shalt thou understand the fear of the LORD, and find the knowledge of God.

Tagalog
Kawikaan 22:4 (Ang Salita ng Diyos)
1Aking anak, ang mga pangaral ko ay dinggin mo, at ang aking mga utos, ingatan nga at sundin mo. 2Ang pakinig mo'y ibaling sa wastong karunungan, at ito ay isipin nang iyong maunawaan. ... 5malalaman mo kung ano ang kahulugan ng paggalang at pagsunod kay Yahweh, at matatamo ang kaalaman tungkol sa Diyos.

--

22 May 2011, Sunday

English
Proverbs 22:4 (King James Version)
By humility and the fear of the LORD are riches, and honour, and life.

Tagalog
Kawikaan 22:4 (Ang Salita ng Diyos)
Ang paggalang at pagsunod kay Yahweh at ang kapakumbabaan ay nagbubunga ng yaman, buhay at karangalan.

--

16 May 2011, Monday

English
Proverbs 16:3 (King James Version)
Commit thy works unto the LORD, and thy thoughts shall be established.

Tagalog
Kawikaan 16:3 (Ang Salita ng Diyos)
Ipagkatiwala mo kay Yahweh ang iyong mga gagawin, at magtatagumpay ka sa lahat ng iyong mga layunin.

--

7 May 2011, Saturday

English
Matthew 5:11-12 (King James Version)
11Blessed are ye, when men shall revile you, and persecute you, and shall say all manner of evil against you falsely, for my sake. 12Rejoice, and be exceeding glad: for great is your reward in heaven: for so persecuted they the prophets which were before you.

Tagalog
Mateo 5:11-12 (Ang Salita ng Diyos)
11Pinagpala kayo kung kayo ay inaalimura ng mga tao at pinag-uusig at pinagwiwikaan ng lahat ng uri ng masasamang salita na pawang kasinungalingan dahil sa akin.12Magalak at magsaya kayong totoo sapagkat malaki ang inyong gantimpala sa langit. Ganyan din ang 
ginawa nilang pag-uusig sa mga propetang nauna sa inyo.

--

22 April 2011, Friday

English
John 11:25-26 (King James Version)
25Jesus said unto her, I am the resurrection, and the life: he that believeth in me, though he were dead, yet shall he live: 26And whosoever liveth and believeth in me shall never die. Believest thou this?

Tagalog
Juan 11:25-26 (Ang Salita ng Diyos)
25Sinabi ni Jesus sa kaniya: Ako ang pagkabuhay na mag-uli at ang buhay. Siya na sumasampalataya sa akin bagamat siya ay mamamatay, siya ay mabubuhay. 26Ang bawat isang nabubuhay at sumasampalataya sa akin ay hindi mamamatay magpakailanman. Sinasampalatayanan mo ba ito?

--

15 April 2011, Friday

English
Proverbs 15:16 (King James Version)
Better is little with the fear of the LORD than great treasure and trouble therewith.

Tagalog
Kawikaan 15:16 (Ang Salita ng Diyos)
Ang mahirap na gumagalang at sumusunod kay Yahweh, ay mas mainam kaysa mayamang panay hirap naman ang kalooban.

--

12 April 2011, Tuesday

English
Matthew 11:4-6 (King James Version)
4Jesus answered and said unto them, Go and shew John again those things which ye do hear and see: 5The blind receive their sight, and the lame walk, the lepers are cleansed, and the deaf hear, the dead are raised up, and the poor have the gospel preached to them. 6And blessed is he, whosoever shall not be offended in me.

Tagalog
Mateo 11:4-6 (Ang Salita ng Diyos)
4Sumagot si Jesus sa kanila: Pumaroon kayo kay Juan at ibalita ninyo ang mga bagay na inyong narinig at nakita. 5Nakakakita na ang mga bulag at nakakalakad na ang mga lumpo. Luminis na ang mga ketongin at nakakarinig na ang mga bingi. Nabuhay ang mga patay at ang ebanghelyo ay ipinangaral na sa mga dukha.6Pinagpala ang taong hindi natitisod sa akin.

--

3 April 2011, Sunday

English
Proverbs 3:5-6 (King James Version)
5Trust in the LORD with all thine heart; and lean not unto thine own understanding. 6In all thy ways acknowledge him, and he shall direct thy paths.

Tagalog
Kawikaan 3:5-6 (Ang Salita ng Diyos)
5Kay Yahweh ka magtiwala, buong puso at lubusan, at huwag kang mananangan sa sariling karunungan. 6Sa lahat ng iyong gawain siya nga'y alalahanin, upang ika'y patnubayan sa iyong mga tatahakin.

--

30 March 2011, Wednesday

English
Proverbs 29:26 (King James Version)
Many seek the ruler's favour; but every man's judgment cometh from the LORD. 

Tagalog
Kawikaan 29:26 (Ang Salita ng Diyos)
Marami ang lumalapit sa hari upang humingi ng tulong, ngunit kay Yahweh lamang makakamtan ang katarungan.

--

20 March 2011, Sunday

English
Matthew 24:6-7 (King James Version)
6And ye shall hear of wars and rumours of wars: see that ye be not troubled: for all these things must come to pass, but the end is not yet. 7For nation shall rise against nation, and kingdom against kingdom: and there shall be famines, and pestilences, and earthquakes, in divers places.

Tagalog
Mateo 24:6-7 (Ang Salita ng Diyos)
6Maririnig na ninyo ang mga digmaan at mga bali-balita ng mga digmaan. Ngunit huwag kayong mabalisa sapagkat ang mga bagay na ito ay kinakailangang mangyari, ngunit hindi pa ito ang wakas. 7Ito ay sapagkat babangon ang isang bansa laban sa isang bansa at babangon ang isang paghahari laban sa isang paghahari. Magkakaroon ng mga taggutom, at mga salot at mga lindol sa iba't ibang dako.

--

19 March 2011, Saturday

English
Matthew 6:1-4 (King James Version)
1Take heed that ye do not your alms before men, to be seen of them: otherwise ye have no reward of your Father which is in heaven. 2Therefore when thou doest thine alms, do not sound a trumpet before thee, as the hypocrites do in the synagogues and in the streets, that they may have glory of men. Verily I say unto you, They have their reward. 3But when thou doest alms, let not thy left hand know what thy right hand doeth: 4That thine alms may be in secret: and thy Father which seeth in secret himself shall reward thee openly.

Tagalog
Mateo 6:1-4 (Ang Salita ng Diyos)
1Mag-ingat kayo na huwag gawing pakitang-tao lamang ang inyong pamamahagi sa mga kahabag-habag. Kung magkagayon ay hindi kayo tatanggap ng gantimpala sa inyong Ama sa langit. 2Kaya nga, kapag ikaw ay namamahagi sa mga kahabag-habag, huwag mong hipan ang trumpeta na nasa harap mo, gaya ng ginagawa ng mga mapagpaimbabaw sa mga sinagoga at sa mga daan. Ginagawa nila ito upang sila ay luwalhatiin ng mga tao. Katotohanang sinasabi ko sa inyo: Tinanggap na nila ang kanilang gantimpala. 3Kung mamahagi ka sa mga kahabag-habag, huwag mo nang ipaalam sa iyong kaliwang kamay kung ano ang ginagawa ng iyong kanang kamay. 4Sa gayon, maililihim ang iyong pamamahagi sa mga kahabag-habag. Ang iyong Ama na nakakakita sa lihim ay magbibigay ng gantimpala sa iyo nang hayagan.

--

18 March 2011, Friday

English
Proverbs 18:10 (King James Version)
The name of the LORD is a strong tower: the righteous runneth into it, and is safe.


Tagalog
Kawikaan 18:10 (Ang Salita ng Diyos)
Ang pangalan ni Yahweh ay matibay na tanggulan, kanlungan ng matuwid mula sa kapahamakan.

--

17 March 2011, Thursday

English
Proverbs 17:9 (King James Version)
He that covereth a transgression seeketh love; but he that repeateth a matter separateth very friends.

Tagalog
Kawikaan 17:9 (Ang Salita ng Diyos)
Ang pagpapatawad sa kapwa ay nagpapasarap sa samahan, ngunit ang pagkakalat ng kahinaan ay sumisira ng pagkakaibigan.

--

16 March 2011, Wednesday

English
Proverbs 16:5 (King James Version)
Every one that is proud in heart is an abomination to the LORD: though hand join in hand, he shall not be unpunished.

Tagalog
Kawikaan 16:5 (Ang Salita ng Diyos)
Kinamumuhian ni Yahweh ang lahat ng mayayabang, at sila'y tiyak na paparusahan.

--

15 March 2011, Tuesday

English
Genesis 11:6 (King James Version)
And the LORD said, Behold, the people is one, and they have all one language; and this they begin to do: and now nothing will be restrained from them, which they have imagined to do.

Tagalog
Genesis 11:6 (Ang Salita ng Diyos)
Sinabi niya, "Ngayon ay nagkakaisa silang lahat at iisa ang kanilang wika. Pasimula pa lamang ito ng mga binabalak nilang gawin. Hindi magtatagal at gagawin nila ang anumang kanilang magustuhan.

--

14 March 2011, Monday

English
Genesis 9:6 (King James Version)
Whoso sheddeth man's blood, by man shall his blood be shed: for in the image of God made he man.

Tagalog
Genesis 9:6 (Ang Salita ng Diyos)
Sinumang pumatay ng kanyang kapwa, buhay ang kabayaran sa kanyang ginawa, sapagkat sa larawan ng Diyos ang tao'y nilikha.

--

11 March 2011, Friday

English
Matthew 24:6-7 (King James Version)
6And ye shall hear of wars and rumours of wars: see that ye be not troubled: for all these things must come to pass, but the end is not yet.
7For nation shall rise against nation, and kingdom against kingdom: and there shall be famines, and pestilences, and earthquakes, in divers places.

Tagalog
Mateo 24:6-7 (Ang Salita ng Diyos)
6Maririnig na ninyo ang mga digmaan at mga bali-balita ng mga digmaan. Ngunit huwag kayong mabalisa sapagkat ang mga bagay na ito ay kinakailangang mangyari, ngunit hindi pa ito ang wakas. 7Ito ay sapagkat babangon ang isang bansa laban sa isang bansa at babangon ang isang paghahari laban sa isang paghahari. Magkakaroon ng mga taggutom, at mga salot at mga lindol sa iba't ibang dako.

--

10 March 2011, Thursday

English
Proverbs 10:19 (King James Version)
In the multitude of words there wanteth not sin: but he that refraineth his lips is wise.

Tagalog
Kawikaan 10:19 (Ang Salita ng Diyos)
Ang taong masalita ay malapit sa pagkakasala, ngunit ang nagpipigil ng dila ay dunong ang pakilala.

--

9 March 2011, Wednesday

English
Proverbs 9:10 (King James Version)
The fear of the LORD is the beginning of wisdom: and the knowledge of the holy is understanding.

Tagalog
Kawikaan 9:10 (Ang Salita ng Diyos)
Ang paggalang at pagsunod kay Yahweh ay pasimula ng karunungan, ang pagkilala sa Banal na Diyos ay may dulot na kaalaman.

--

6 March 2011, Sunday

English
Ezekiel 34:31 (King James Version)
And ye my flock, the flock of my pasture, are men, and I am your God, saith the Lord GOD.

Tagalog
Ezekiel 34:31 (Ang Salita ng Diyos)
Kayo ang aking mga tupa sa aking pastulan; ako ang inyong Diyos.

--

3 March 2011, Thursday

English
Revelation 21:5 (King James Version)
And he that sat upon the throne said, Behold, I make all things new. And he said unto me, Write: for these words are true and faithful.

Tagalog
Pahayag 21:5 (Ang Salita ng Diyos)
Ang nakaupo sa trono ay nagsabi: Tingnan ninyo, ginawa kong bago ang lahat ng bagay. At sinabi niya sa akin: Isulat mo ito sapagkat ang mga salitang ito ay totoo at tapat.


--

27 February 2011, Sunday

English
2 Corinthians 11:3-4 (King James Version)
3But I fear, lest by any means, as the serpent beguiled Eve through his subtilty, so your minds should be corrupted from the simplicity that is in Christ. 4For if he that cometh preacheth another Jesus, whom we have not preached, or if ye receive another spirit, which ye have not received, or another gospel, which ye have not accepted, ye might well bear with him.

Tagalog
2 Mga Taga-Corinto 11:3-4 (Ang Salita ng Diyos)
3Subalit ako ay natatakot baka sa anumang paraan, tulad nang dayain ng ahas si Eba sa pamamagitan ng katusuhan, ay madumihan ang inyong kaisipan mula sa katapatan na na kay Cristo. 4Ito ay sapagkat kung may dumating na nangangaral ng ibang Jesus na hindi naman namin ipinangaral ay maaari ninyo itong pagtiisan. O kung may dumating na nangangaral ng ibang espiritu na hindi naman ninyo tinanggap ay maaari ninyo itong pagtiisan. O kung may dumating na nangangaral ng ibang ebanghelyo na hindi naman ninyo tinanggap ay maaari ninyo itong pagtiisan.

--

20 February 2011, Sunday

English
John 1:14 (King James Version)
And the Word was made flesh, and dwelt among us, (and we beheld his glory, the glory as of the only begotten of the Father,) full of grace and truth.

Tagalog
Juan 1:14 (Ang Salita ng Diyos)
Nagkatawang-tao ang Salita at nanahang kasama natin. Namasdan namin ang kaniyang kaluwalhatian, ang kaluwalhatian ng bugtong na Anak ng Ama. Ang Salitang ito ay puspos ng biyaya at katotohanan.

--

13 February 2011, Sunday

English
Revelation 3:22 (King James Version)
He that hath an ear, let him hear what the Spirit saith unto the churches.

Tagalog
Pahayag 3:22 (Ang Salita ng Diyos)
Ang may pandinig ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesiya.

--

8 February 2011, Tuesday_2

English
2 John 1:12 (King James Version)
Having many things to write unto you, I would not write with paper and ink: but I trust to come unto you, and speak face to face, that our joy may be full.

Tagalog
2 Juan 1:12 (Ang Salita ng Diyos)
Maraming bagay akong isusulat sa inyo ngunit hindi ko ibig na isulat sa pamamagitan ng papel at tinta. Umaasa akong makapariyan sa inyo at makausap kayo ng mukhaan upang malubos ang ating kagalakan.

--

8 February 2011, Tuesday

English
Proverbs 8:33-35 (King James Version)
33  Hear instruction, and be wise, and refuse it not. 34  Blessed is the man that heareth me, watching daily and my gates, waiting at the posts of my doors. 35  For whoso findeth me findeth life, and Shall obtain the Favour of Lord.

Tagalog
Proverbs 8:33-35 (New International Version)
33 To be wise, the instruction I hear, do not forsake nor will flee from it. 34Blessed is the man to me is listening,
me is always waiting and staring. 35Because the findeth me findeth life, and the spirit of the Lord is his achieved.

--

27 January 2011, Thursday

English
1 Peter 2:6 (King James Version)
Wherefore also it is contained in the scripture, Behold, I lay in Sion a chief corner stone, elect, precious: and he that believeth on him shall not be confounded.

Tagalog
1 Pedro 2:6 (Ang Salita ng Diyos)
Ganito ang sinasabi ng kasulatan: Narito, itinatayo ko sa Zion ang isang pangunahing batong panulok, hinirang at mahalaga. Ang sinumang sumampalataya sa kaniya ay hindi mapapahiya.

--

23 January 2011, Sunday

English
James 3:13 (King James Version)
Who is a wise man and endued with knowledge among you? let him shew out of a good conversation his works with meekness of wisdom.

Tagalog
Santiago 3:13 (Ang Salita ng Diyos)
Sino sa inyo ang matalino at nakakaunawa? Hayaang ipakita niya sa pamamagitan ng mabuting pamumuhay ang kaniyang mga gawa na may mapagpakumbabang karunungan.

--

20 January 2011, Thursday

English
Hebrews 13:8-9 (New King James Version)
8 Jesus Christ is the same yesterday, today, and forever. 9 Do not be carried about [away] with various and strange doctrines. For it is good that the heart be established by grace, not with foods which have not profited those who have been occupied with them. 

Tagalog
Hebreo 13:8-9 (Ang Salita ng Diyos)
8 Si Jesus ay siya pa rin kahapon, ngayon, bukas at magpakailanman. 9 Huwag ninyong hayaan na madala kayo ng lahat ng uri at kakaibang mga katuruan. Sapagkat mabuting pagtibayin natin ang ating mga puso sa pamamagitan ng biyaya at hindi sa pamamagitan ng pagkain. Ang pagkain ay hindi makakapagbigay ng kapakinabangan sa mga nabubuhay sa pamamagitan nito.

--

16 January 2011, Sunday

English
Leviticus 19:31 (King James Version)
Regard not them that have familiar spirits, neither seek after wizards, to be defiled by them: I am the LORD your God.

Tagalog
Levitico 19:31 (Ang Salita ng Diyos)
Huwag kayong sasangguni sa mga kumakausap sa mga espiritu ng mga namatay o sa mga manghuhula. Kayo'y ituturing na marumi kapag sumangguni kayo sa kanila. Ako si Yahweh, ang inyong Diyos.

--

11 January 2011, Tuesday

English
Hebrews 4:9-10 (New King James Version)
9There remains therefore a rest for the people of God. 10For he who has entered His rest has himself also ceased from his works as God did from His.

Tagalog
Hebreo 4:9-10 (Ang Salita ng Diyos)
9Kaya nga, mayroon pang kapahingahang nananatili para sa mga tao ng Diyos. 10Ito ay sapagkat ang sinumang pumapasok sa kaniyang kapahingahan, siya rin naman ay nagpahinga sa kaniyang mga gawa kung paanong ang Diyos ay nagpahinga mula sa kaniyang mga gawa.

--

10 January 2011, Monday

English
Hebrews 3:7-8 (New King James Version)
Be Faithful 
7Therefore, as the Holy Spirit says: 
“ Today, if you will hear His voice,
8Do not harden your hearts as in the rebellion,
In the day of trial in the wilderness,

Tagalog
Hebreo 3:7-8 (Ang Salita ng Diyos)
Babala Laban sa Hindi Pananampalataya 7Iyan ang dahilan kaya sinabi ng Banal na Espiritu: Ngayon, kung inyong marinig ang kaniyang tinig, 8huwag ninyong pagmatigasin ang inyong mga puso, gaya ng inyong ginawa nang kayo ay maghimagsik, noong panahon nang kayo ay sinubok sa ilang.

--

9 January 2011, Sunday

English
2 Corinthians 2:11 (King James Version)
Lest Satan should get an advantage of us: for we are not ignorant of his devices.

Tagalog
2 Mga Taga-Corinto 2:11 (Ang Salita ng Diyos)
Ito ay upang hindi makapagsamantala si Satanas dahil hindi lingid sa atin ang kaniyang mga layunin.

--

8 January 2011, Saturday

English
Proverbs 8:13 (New King James Version)
The fear of the LORD is to hate evil; 
Pride and arrogance and the evil way 
And the perverse mouth I hate. 

Tagalog
Kawikaan 3:13 (Ang Salita ng Diyos)
Ang paggalang at pagsunod kay Yahweh ay naglalayo sa kasamaan.
Ako ay namumuhi sa lahat ng kalikuan, sa salitang baluktot, at sa diwang kayabangan.

--

7 January 2011, Friday

English
Philemon (King James Version)
25The grace of our Lord Jesus Christ be with your spirit. Amen.

Tagalog
Filemon (Ang Salita ng Diyos)
25Sumainyong espiritu ang biyaya ng ating Panginoong Jesucristo. Siya nawa!

--

6 January 2011, Thursday

English
Titus 3:7-8 (New King James Version)
[T]hat having been justified by His grace we should become heirs according to the hope of eternal life. This is a faithful saying, and these things I want you to affirm constantly, that those who have believed in God should be careful to maintain good works. These things are good and profitable to men.

Tagalog
Kay Tito 3:7-8 (Ang Salita ng Diyos)
Ginawa niya ito upang sa pagpapaging-matuwid sa atin, sa pamamagitan ng biyaya at ayon sa pag-asa, tayo ay maging tagapagmana ng buhay na walang hanggan. 8Ito ay mapagkakatiwalaang salita. Ibig kong palagi mong bigyan ng diin ang mga bagay na ito upang ang mga mananampalataya sa Diyos ay maging maingat sa pagpapanatili ng mabuting gawa. Ang mga bagay na ito ay mabuti at kapakipakinabang sa mga tao.

--

5 January 2011, Wednesday

English
Titus 2:1-3 (King James Version)
But speak thou the things which become sound doctrine: That the aged men be sober, grave, temperate, sound in faith, in charity, in patience. The aged women likewise, that they be in behaviour as becometh holiness, not false accusers, not given to much wine, teachers of good things ...

Tagalog
Tito 2:1-3 (Ang Magandang Balita)
1Ngunit magsalita ka ng mga bagay na angkop sa mabuting aral. 2Ang matatandang lalaki ay maging mapagpigil, may karapat-dapat na ugali, ginagamit nang mabuti ang isip, may mabuting pananampalataya, pag-ibig at pagtitiis. 3Sa ganoon ding paraan ang kilos ng mga matatandang babae ay maging karapat-dapat sa mga banal, hindi mga mapanirang-puri, hindi nagpaaalipin sa maraming alak. Sila ay maging mga guro ng mga bagay na mabuti.

--

4 January 2011, Tuesday

English
Proverbs 4:23 (King James Version)
Keep thy heart with all diligence; for out of it are the issues of life.

Tagalog
Kawikaan 4:23 (Ang Magandang Balita)
Ang puso mo'y ingatang mabuti at alagaan, pagkat iyan ang siyang bukal ng buhay mong tinataglay.

--

January 2011, Monday

English 
Proverbs 3:5-6 (New King James Version)
Trust in the LORD with all your heart, 
And lean not on your own understanding; 
In all your ways acknowledge Him, 
And He shall direct your paths.
      
Tagalog 
Kawikaan 3:5-6 (Ang Magandang Balita)
Kay Yahweh ka magtiwala, buong puso at lubusan, at huwag kang mananangan sa sariling karunungan. Sa lahat ng iyong gawain siya nga'y alalahanin, upang ika'y patnubayan sa iyong mga tatahakin.

--

January 2011, Sunday

English (New King James Version)
Matthew 10:31 -- Do not fear therefore; you are of more value than many sparrows.

Tagalog (Ang Salita ng Diyos)
Mateo 10:31 -- Kaya nga, huwag kayong matakot; higit kayong mahalaga kaysa maraming maya.



*Translated in Tagalog by Al Sabado