Standard rates


Fri, Jun 10, 2011 at 11:28 AM

A message from a fellow freelancer . . .


Natutuwa naman po ako sa pinost ninyo sa Craigslist na listahan ng standard rates. Nakakalungkot ngang makita na ang dami pa din na kapwa Pinoy na writers na tumatanggap ng trabaho na ang bayad ay $0.50-$2 per article. Napakarami ko nang pinalampas at pinakawalan na kliyente dahil ayaw pumayag sa binibigay kong rates, pero hangga't maaari sinusubukan kong manindigan. Kaya nakakatawa makita dun sa binigay nyong listahan ng standard rates na lugi pa din pala ako ng $0.02. Haha. Ang current freelance writing rate ko kasi ay $0.03/word. Salamat ulit at nakatulong yung binigay nyong listahan, mabuhay kayo at tayong mga Pilipinong manunulat. :)



Hi Jessica,

Salamat sa email. Ako din natutuwa sa rate mo. Okay `yan. Marangal ang magbigay. Pero malaya ka din namang magtaas ng rates. :)

Well, we've come a long way as a nation. Our poor ancestors gave their services for free. (Tama?) 'Ika nga nasa dugo at kasaysayan natin ang pagiging mapagbigay at pagiging mababait kaya madali tayong nasakop ng ibang lahi. Ngayon na lang tayo nagiging malaya at naninindigan patungkol sa mga pagdedesisyong gaya nito.

The Lord be with you . . . ;-)


Sincerely,
Al